Anak ni Jawo makakalabas ng kulungan

MANILA, Philippines - Makakalabas na sa  kulungan ang anak ni dating PBA legend at Senador Robert Jaworski matapos na irekomenda ng Makati City Prosecutors Office ng tig  P120,000 piyansa sa bawat kasong isinampa dito matapos makipagbarilan sa mga pulis habang aarestuhin  sa isang  buy-bust gun running operation noong Se­tyembre.

Batay sa 3-pahinang resolution ng Makati City Prosecutor’s Office, ay nakakita sila ng probable cause laban kay Ryan Jaworski hinggil sa mga kasong kinakaharap nito, ang  4 counts attemp­ted murder at  paglabag sa Section 28, Republic Act 10591 (Illegal Possession of Fire Arms) kaya’t inirekomenda ang P120,000  sa bawat isang kaso.

Kasama ni Ryan  ang kasabwat at driver nitong si Joselito Au, na nahaharap din ng kapareho ding mga kaso.

Ang kaso namang paglabag sa Section 3, Republic Act 10591 (Sel­ling and Direct Assault upon an agent of person in authority), na kinakaharap pa rin ng batang Ja­worski  ay binasura naman ng piskalya.

Binasura rin ng piskalya ang kontra kaso  na isinampa  ng batang Jaworski laban sa mga pulis na frustrated murder sa ilalim ng Article 250 in relation  to Article 6 (Planting of Evidence).

 

Show comments