MANILA, Philippines - Pumalo na sa 48 katao ang nasawi 63 ang nasugatan at nasa P6.57 bilyon ang iniwang pinsala ng bagyong Lando partikular na sa Central at Northern Luzon.
Sa pinagsamang ulat ng pulisya at Office of Civil Defense (OCD ) Region 3, 2 at ng pulisya, kabilang sa mga nasawi ay 16 sa Cordillera Administrative Region (CAR), 10 sa Region III, 3 sa Region II, 7 sa Region I (Ilocos); 2 sa National Capital Region (NCR), 9 sa Western Visayas (Iloilo) at isa sa Laguna.
Nakapagtala rin ng walong sugatan sa CAR at 1 ang nawawala habang 55 naman ang naitalang nasugatan sa Region III, 2 naman ang nawawala sa Region II at 1 sa Region III.
Kaugnay nito, ayon naman kay Philippine Air Force (PAF) Spokesman Col. Enrico Canaya, nagdeliber na rin sila kahapon ng mga food packs at relief goods na isinakay sa C130 plane na inihatid sa mga apektadong pamilya sa Baler at Casiguran, Aurora.- Joy Cantos-