MANILA, Philippines - Nakiramay si Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo sa mga naging biktima ng Bagyong Lando sa mga lalawigan sa Hilaga at Gitnang Luzon.
Kaya’t iginiit ni Robredo ang pagkakaroon ng kahandaan ng lahat ng sektor, sa harap ng pagbabago ng panahon at klima ng mundo, kung saan ang mga komunidad ang siyang nasa gitna ng mga nakaambang trahedya.
Nanawagan din si Robredo sa pamahalaang lokal at pambansa na patuloy bigyang suporta, impormasyon, at kakayahan ang ating mga baranggay, sa tulong ng mga NGO na nakatutok sa adhikaing ito.
Upang makatugon nang agaran sa mga nasalantang lugar ay mas mabisa ang makapaghanda para sa hinaharap,” wika pa ni Robredo.- Butch Quejada-