Mercado ang may-ari ng 2 ‘dummy’ firm-limlingan

MANILA, Philippines - Si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado ang orihinal na nagmamay-ari ng umano’y dalawang “dummy” corporations na nanalo sa maanomalyang proyekto ng Makati city government nang si  Vice President Jejomar Binay pa ang mayor.

Ito ang inilahad ng dating aide at financial officer ni Binay na si Gerardo Limlingan, na sa kauna-unahang pagkakataon ay winasak ang katahimikan simula nang makaladkad ang pangalan sa umano’y iregularidad sa mga proyekto sa Makati city government.

Sa isang motion na isinampa nito sa Court of Appeals ay sinabi ni Limlingan na si Mercado ang orihinal na may-ari ng OMNI Security Investigation and General Services, at Meriras Realty & Development Corporation.

Magugunita sa isinasagawang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee ay sinabi ni Mercado na umano si  Binay ay gumagamit ng mga dummies tulad ng OMNI upang itago ang yaman nito.

Ayon kay Mercado na ang OMNI ay siyang nakakuha ng security at janitorial and maintenance services sa  Makati City na sa   katunayan na siya ang may-ari maging ang kumpanyang MERIRAS.

Si Mercado ay siyang namamahala ng anumang kaugnayan sa usapin ng OMNI at MERIRAS hanggang taong 2000 nang ibenta na nito ang kanyang shares kay Limlingan bilang bayad sa mga utang nito.

Matapos na matalo si Mercado sa pag-kamayor sa Makati City ay humingi ito ng tulong kay Limlingan at inoperan na bilhin ang mga shares nito sa OMNI kaya’t nakakuha si Limlingan ng 80 percent ng kumpanya.-Ellen Fernando-

 

Show comments