^

Police Metro

12 pulis, 3 pa kinasuhan sa ak-47 scam ng ombudsman

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na kasuhan sa Sandiganbayan ang mga top officials Philippine National Police (PNP) na sangkot sa anomalya ng pag-iisyu ng lisensiya para sa AK-47 rifles mula Agosto 2011 hanggang Abril 2013.

Batay sa 39 pahinang kautusan ni Ombudsman Morales na agad direktang sampahan ng multiple counts ng pag­labag sa  Section 3(e) ng  Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa mga sangkot na sina: P/Dir. Gil Me­neses ng  Civil Security Group; P/Dir. Napoleon Estilles ng  Firearms and Explosives Office (FEO); P/CSupt. Raul Petrasanta; P/CSupt. Tomas Rentoy III; P/CSupt. Regino Catiis; P/SSupt. Eduardo Acierto; P/SSupt. Allan Parreño; P/Supt. Nelson Bautista; P/CInsp. Ricardo Zapata, Jr.; P/CInsp Ricky Su­malde; SPO1 Eric Tan; SPO1 Randy De Sesto; Non-uniformed Personnel(NUP) Nora Pirote; Sol Bargan Isidro Lozada ng Caraga Security Agency (Caraga).

Bukod dito ay inatasan din ng Ombudsman na kasuhan din ng paglabag sa  Section 3(j) ng Republic Act No. 3019 sina  Estilles at Petrasanta.

Ayon sa pahayag ng Ombudsman na ang mga  respondents ay napatunayang nagkakutsabahan sa facilitating, processing at  pag-apruba mga  aplikasyon sa lisenisya ng baril ng Caraga, Isla Security Agency (Isla), Claver Mineral Development Corporation at  JTC Mi­neral Mining Corporation sa kabila na hindi kumpleto o pineke ang aplikasyon para sumuporta sa mga dokumento.

Karamihan din sa mga baril ay agad nailabas gayung ang mga requests para ilabas sa storage ay hindi pirmado ng  requester.

Batay sa pa sa Ombudsman na ang ulat ng  Criminal Investigation and Detection Group na may petsang July 17, 2014 na ang apat na private security agencies at  mining company ay matagumpay na nakaaplay at nabigyan ng lisensiya ng baril ng PNP-FEO gamit ang peke at hindi kumpletong documentary requirements.

Dinismis naman ni Ombudsman Morales sa  kaparehong kaso sina  P/CInsp. Rodrigo Benedicto Sarmiento; NUP Enrique Dela Cruz; at Twin Pines representatives na sina Servando Topacio; Marie Ann Topacio; Alexandria Topacio; Hagen Alexander Topacio; Thelma Castillejos; Sherry Lyn Fetalino; at Lourdes Logronio dahil sa kakulangan ng ebidensiya na magdidiin sa kaso.- Angie dela Cruz-

ACIRC

ALEXANDRIA TOPACIO

ALLAN PARRE

ANG

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BATAY

CARAGA

CARAGA SECURITY AGENCY

NBSP

OMBUDSMAN MORALES

REPUBLIC ACT NO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with