^

Police Metro

Bantay-salakay sa P2.4-M ATM robbery nadakip

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga otoridad ang isa sa 4 na suspek sa pagtangay sa P2.4 milyon na laman ng  isang automated teller machine (ATM) noong October 13, 2015 sa Quezon City.

Ang suspek ay kinilalang si Normil Bolong, 43, security guard ng G4S, Block 25, Exodus Floodway, Sta Ana, Taytay Rizal.

Nabatid na si Bolong ay dating kawani ng  BPI bank 2nd man compliance maintenance technician at security guard ng G4S Cash Solutions Philippines na naaresto kamakalawa ng gabi sa Wells Fargo Fort Mckinley, Taguig City.

Bago naaresto ang suspek ay nakipag-ugnayan muna ang mga otoridad sa management ng G4S Cash Solutions Philippines at nagsagawa ng background check sa mga dati at kasalukuyang security personnel nito lalo na ang mga nakatalaga bilang security escorts ng mga bangko ng ATM  maintenance at naglalagay ng pera sa makina.

Nagawang makakuha ng mga operatiba ng larawan ni Bolong na kung saan ay positibong kinilala ito ng dalawang tecnicians ng BPI bank na siyang tumutok sa kanila ng baril at tumangay ng pera ng ATM bago nagsipagtakas kasama ang tatlo pang suspek sakay ng tig-isang motorsiklo.

Lumalabas na ang nasabing makina ay sadyang sinira ng hindi natukoy na tao para mabuksan ito ng mga tecnician at ayusin.

Kaya habang ginagawa ng mga technician ang makina ay lumutang ang mga suspek na mga nakasuot ng crash helmets at surgical mask bago tinangay ang pera.

ANG

BOLONG

CASH SOLUTIONS PHILIPPINES

EXODUS FLOODWAY

MGA

NORMIL BOLONG

QUEZON CITY

STA ANA

TAGUIG CITY

TAYTAY RIZAL

WELLS FARGO FORT MCKINLEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with