MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis at limang kasama nito ang nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation na humantong sa pagkakadiskubre ng isang drug den sa North Cotabato.
Ang mga suspek ay kinilalang sina PO1 Kim Ledesma, 29, nakatalaga sa Aleosan Municipal Police Station; Efren Villacura, 51; Bingkoy Sarueda, 25; Jomar Seba, 18; Ishmael Talaman, 27, at Junbert Catalan, 35.
Batay sa ulat,nakipagtransaksiyon ang isang undercover agent ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12) na nagpanggap na poseur buyer at bibili ng isang sachet ng shabu kay PO1 Ledesma.
Nang magkita sa isang bahay sa Purok Santol, Poblacion 1, Midsayap, North Cotabato, ganap na alas 9:45 ng umaga at iniabot na ang droga ay dito na inaresto si PO1 Ledesma.
Mula dito ay natuklasan na ang bahay ay ginagamit na drug den at naaresto ang limang iba pa na ang tatlo ay menor de edad.
Nasamsam sa drug den ang 13 piraso ng plastic sachets ng shabu na may timbang na higit sa limang gramo at nagkakahalaga ng P37,500, at mga drug paraphernalia.