Pulis tinodas habang nagjo-jogging

MANILA, Philippines - Malapitang pinagbabaril ang isang pulis ng dalawang lalaki habang ito ay nagjo-jogging kamakalawa sa bisinidad ng Jolo airport, Brgy.  Liyang, Patikul, Sulu.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si PO2 Espaldon Tingkahan, 40, may-asawa at nakatalaga  sa 2nd Provincial Public Safety Company (PPSC).

Batay sa ulat, dakong alas-5:40 ng umaga ay nagjo-jogging ang biktima sa nasabing lugar nang ito ay saba­yan ng dalawang suspek sa pag-eehersisyo nang bigla na lamang itong pinagbabaril nang malapitan.

Agad binawian ng buhay ang biktima bunga ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nagresponde sa lugar ang mga elemento ng Army’s 35th Infantry Battalion (IB) na naki­pagpalitan ng putok sa mga suspek na nagawa namang makatakas patungo sa bulubunduking bahagi ng lugar.

Show comments