Biyahe ng mga eroplano kinansela

MANILA, Philippines - Dahil sa apektado ng paghagupit ng bagyong Lando ay kinansela na rin kahapon ang biyahe ng mga domestic flights sa bansa.

Sa ulat na tinanggap kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Couuncil (NDRRMC) ang mga kinanselang biyahe ng eroplano ay patungong Northern Luzon gayundin ang biyahe mula Manila patungong Mindanao.

Kabilang dito ay ang 5J 196 Manila-Cauyan; 5J 197 Cauyan-Manila; 5J 504 Manila-Tuguegarao; 5J 505 Tuguegarao-Manila; 5J 506 Manila-Tuguegarao; 5J 507 Tuguegarao-Manila 5J 887 Manila-Cotabato; 57 888Cotabato-Manila; PR 2959 Manila-Cotabato; PR 2960 Cotabato-Manila; pawang sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

Sa terminal 4 naman ay ang DG 6113 Manila-Naga City at DG6114 Naga-Manila.

Show comments