MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit 3,129 pasahero ang naitalang stranded sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol at North Eastern Luzon bunsod ng bagyong Lando.
Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), dakong alas-12:00 ng hapon nang maitala ang 1,013 stranded sa Batangas Port at 832 sa pantalan ng Albay, habang sa Oriental Mindoro ay nasa 789 ang stranded.
Mino-monitor din ang mga stranded passengers sa Occidental Mindoro, Southern at Northern Quezon, Romblon, Sorsogon, Camarines Sur, Masbate, at Aparri.
Stranded din ang 36 vessels; 29 motor bancas at 449 ang rolling cargoes.