Metro Manila Mayors muling tatakbo

Pormal na naghain ng kanyang certificate of candidacy si House Speaker Feliciano Belmonte para sa muling pagtakbo bilang kongresista. Sinamahan siya nina QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte. Edd Gumban  

MANILA, Philippines – Para sa ikatlo at huling termino ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista.

Si Bautista ay sinamahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte at mga kasamang konsehal at supporters sa lungsod. Nauna nang nag-file ng kanyang COC si Belmonte noong Miyerkules.

Sinabi ni Bautista na itutuloy niya ang mga napasimulang programa na nagbigay ng pagsigla ng ekonomiya ng QC at paglalaan ng pabahay sa mga mahihirap na taga lungsod at mga nakatira sa mga tinaguriang danger zones.

Naghain  rin ng kanilang COC sina Muntinlupa City incumbent Mayor Jaime Fresnedi at Taguig City Lani Cayetano.

Si Fresnedi ay muling tatakbo sa pagka-alkalde sa ilalim ng Liberal Party  at makakalaban nito ang dating mayor na si Aldrin San Pedro.

Wala naman makakalaban sa posisyon si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Show comments