MANILA, Philippines – Pormal na naghain kahapon si dating PNP-SAF Chief Getulio Napeñas ng kanyang COC sa Commission on Elections office, Intramuros, Manila para tumakbong senador sa ilalim tiket ng United Nationalist Alliance (UNA).
Ayon kay Napeñas na isa sa dahilan kaya siya tumakbo ay para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 44 SAF commandos sa isang police operation sa Mamasapano, Maguindanao na kanyang pinamunuan noong Jan. 25.
Nais din nitong ipagpatuloy ang adhikain ang panatalihin ang katahimikan ng sambayanang Pilipino.
Si Napeñas ay sinibak sa puwesto dalawang araw matapos ang SAF operation at makalipas ang 40 taon na pagseserbisyo bilang pulis ay nagretiro ito noong Hulyo.
Nirerespeto naman ng PNP ang pagtakbo ni Napeñas dahil bawat Pilipino kabilang ang mga pulis ay may karapatang tumakbo sa eleksyon gayundin ang karapatang makapamili ng kanyang ibobotong kandidato.