^

Police Metro

Parak hinostage, kasama binaril sa pagsisilbi ng warrant

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malubhang nasugatan ang isang pulis habang ang kasama nito ay binihag ng isang pinaghihinalaang illegal logger habang isinisilbi ang warrant of arrest  kamakalawa sa Brgy. Sayon, Sta. Josefa, Agusan del Sur.

Ang nasugatang parak ay kinilalang si PO1 Efren Castor na nagtamo ng tama ng bala sa  kaliwang bahagi ng tiyan at taga sa kaliwang kamay na ngayon ay nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Davao Regional Hospital sa Tagum City.

Habang ang hinostage na pulis ay si PO3 Renato Mendez na kasama ni Castor na nagsisilbi ng warrant of arrest laban sa suspek na si Carmelito Davin.

Batay sa ulat, dakong alas-2:14 ng hapon nang magtungo sa lugar sina Castor at Mendez upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Davin na nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 705 o ang Forestry Reform Code of the Phi­lippines.

Sa halip na sumuko ay agad pinaputukan ni Davin si Castor habang hinostage naman ng kasamahan nitong tinukoy sa alyas na Aying Esteban si PO3 Mendez.

Nakipagkoordinasyon ang mga tauhan ng Sta Josefa Municipal Police Station sa pakikipagkoordinasyon sa mga opis­yal  ng Barangay at Cafgu Active Auxiliary (CAA) at napalaya  ang hostage na pulis.

ACIRC

ANG

AYING ESTEBAN

CAFGU ACTIVE AUXILIARY

CARMELITO DAVIN

DAVAO REGIONAL HOSPITAL

DAVIN

EFREN CASTOR

FORESTRY REFORM CODE OF THE PHI

INTENSIVE CARE UNIT

MENDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with