Duterte ‘no show’ sa Comelec
MANILA, Philippines – Walang Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang sumulpot kahapon para sa huling araw na paghahain ng certificate of candidacy sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagkapangulo sa 2016.
Umaasa ang mahigit 2,000 supporters ni Duterte ang naghintay sa Comelec na magbabago ito ng isip at tatakbong pangulo habang hindi pa nagsasara ang oras ng filing ng COC.
Umugong ang balita na nasa isang 5 star hotel lang si Duterte na malapit lang sa opisina ng Comelec kaya’t umaasa ang mga supporters na maghahain ito ng kandidatura.
Maging si Senador Alan Peter Cayetano na tatakbong Bise Presidente at running mate si Duterte ay umaasa na magbabago ito ng desisyon.
Matatandaan na kahapon nagsimulang nagsipagdatingan ang mga taga suporta ng alkade mula sa Davao dahil sa ilang espekulasyon na posibleng tumakbo si Duterte sa pagpapangulo matapos na maghain din ng kandidatura sa pagka alkalde ang anak nitong si Sara.
Subalit, hanggang sa magsara ang filing ay hindi nakita ni anino ng alkalde sa Comelec na ikinadismaya ng mga supporters nito mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon sa mga taga suporta ni Duterte, mas lalong walang pag-unlad at peace and order sa Pilipinas dahil mananatiling walang mga ‘bayag’ ang namumuno sa bansa.
Una nang sinabi ni Duterte na hindi siya interesado na tumakbo sa pagkapangulo sa kabila ng panghihikayat sa kanya ng iba’t ibang sektor at grupo.
Mas komportable umano si Duterte sa kanyang posisyon ngayon at walang mababago sa kanyang desisyon.
- Latest