^

Police Metro

COC ni Grace kanselahin

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines –  Nais ng isang abogado na kanselahin ng Commission on  Elections (Comelec) ang certificate of candidacy (COC)  sa pagkapangulo  ni Senator Grace Poe.

Batay sa inihaing petition ni Atty. Estrella Elamparo na kanselahin ang  COC ni  Poe bunsod na rin ng “material misrepresentation” sa pamamagitan ng  pagsasaad na isa  siyang natural-born Filipino. 

Ayon  kay Elamparo, hindi natural-born Filipino citizen  si Poe  dahil isa lamang itong ampon at walang  patunay na legal  itong inampon.

Sinabi ni Elamparo na mahirap ding patunayan na natural-born Filipino citizen si Poe dahil  ang citizenship  ay  pinatutunayan sa pamamagitan ng  dugo at hindi ang  place of birth.

Si Poe,  ang  nangu­nguna ngayon sa ilang mga survey at may kaso sa Senate Electoral Tribunal bunsod ng kanyang pagkapanalo noong 2013 mid-term elections.

Agad ding nilinaw ng abogada na walang nag-utos o nag-impluwensya sa kanya para isulong ang diskuwalipikasyon ni Poe.

“Karapatan ko ito bilang isang registered voter,” ani Elamparo.

Hindi naman  nasorpresa ang kampo ng senadora sa inihaing petisyon laban dito at may ideya na rin umano sila kung sino ang nasa likod ng nasabing hakbang.

ACIRC

ANG

AYON

BATAY

COMELEC

ELAMPARO

ESTRELLA ELAMPARO

NBSP

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SENATOR GRACE POE

SI POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with