^

Police Metro

IRA ng LGU dagdagan-Tolentino

Pang-masa

MANILA, Philippines –  Kung papalarin na manalong senador sa 2016 ay aamyendahan ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino na nagsilbing din mayor ng Tagaytay City ng tatlong termino ay amyendahan ang Local Government Code upang madagdagan ang alokasyon ng Internal Revenue Allotment(IRA) batay sa performance ng local government units.

Bukod dito ay nanawagan din si Tolentino sa kanyang kapwa kandidato sa pagkasenador na magkaroon ng mas makabuluhang diskusyon sa mga isyu tulad ng Spratlys, West Philippine Sea, disaster recovery at rehabilitation.

Si Tolentino na kilalang nagsusulong ng disaster preparedness ay magpapanukala na kung sakaling manalong senador ay dapat maglalaan ng pondo ang pamahalaan sa Community Rehabilitation/Recovery Trust Fund para sa local government units; at paglikha ng Police Youth Reserve Corps na tutulong hindi lang sa peace and order kundi pati na rin sa disaster response.

Sinabi ni Tolentino, ang kanyang karanasan bilang local chief executive at MMDA chairman ang nagpakita sa kanya sa negatibong epekto ng urbanisasyon, na sa kanyang paniwala ay maiiwasan sa pamamagitan ng paglikha ng Philippine Urban Development Commission.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COMMUNITY REHABILITATION

INTERNAL REVENUE ALLOTMENT

LOCAL GOVERNMENT CODE

PHILIPPINE URBAN DEVELOPMENT COMMISSION

POLICE YOUTH RESERVE CORPS

RECOVERY TRUST FUND

SI TOLENTINO

TAGAYTAY CITY

TOLENTINO

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with