^

Police Metro

Anak ni Andal Ampatuan tatakbong mayor

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na makalaya kamakailan nang magpiyansa ng P11.6 milyon sa kasong murder kaugnay ng Maguindanao massacre na kumitil ng 58 katao na ang  32 rito ay mga mamamahayag noong Nobyembre 23, 2009 ay naghain ng kanyang certificate of candidacy si  Sajid Islam Uy Ampatuan para sa pagkamayor ng Shariff Aguak sa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance (UNA) ni Vice President Jejomar Binay.

Magiging running mate nito si incumbent Shariff Aguak Vice Mayor Bai Anhara Ampatuan at makakalaban ang kanyang pinsan na si Mayor Datu Maroph Ampatuan, at si dating Mayor Zahara Ampatuan na asawa ng kanyang kapatid na si Anwar.

Si Sajid ang isa sa mga itinuturong suspek sa masaker kasama ang kanyang namatay na ama, mga kapatid na sina Zaldy, Anwar at Andal Jr at maraming iba pa.

Naghain na rin ng COC ang kanyang misis na si incumbent Mayor Zandria Sinsuat-Ampa­tuan na kakandidato muli sa pagka-alkalde sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha.

ANDAL JR

ANWAR

MAYOR DATU MAROPH AMPATUAN

MAYOR ZAHARA AMPATUAN

MAYOR ZANDRIA SINSUAT-AMPA

SAJID ISLAM UY AMPATUAN

SHARIFF AGUAK

SHARIFF AGUAK VICE MAYOR BAI ANHARA AMPATUAN

SHARIFF SAYDONA MUSTAPHA

SI SAJID

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with