MANILA, Philippines - Mas lalo pang palalakasin ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataang mag-aaral sa QC nang pangunahan ang isang malakihang K12-Senior-High School Fair program sa Liwasang Aurora ng QC Memorial Circle.
Layunin ng programa ay mapadali ang mga kabataang mag-aaral na magdesisyon kung ano ang gustong kuning kurso pagdating ng college upang mas madaliang makahanap ng trabaho.
Sa programa ay nagkaroon din ng career orientation at naipamalas ng mga school owners ang mga paraan na kanilang ginagawa bilang suporta sa K12 program sa QC.