MANILA, Philippines – Magsasanib puwersa sa 2016 election ang dalawang “political bigwigs” sa Zambales ang mga Deloso at Magsaysay.
Ayon kay Atty. Amor D. Deloso, dating Zambales governor na makakatambal niya bilang bise-gobernador si Angel E. Magsaysay-Cheng, anak ni ex-governor Vicente P. Magsaysay.
Inaasahan namang makakatunggali nina Deloso at Magsaysay ang mga incumbent na sina Gov. Hermogenes Ebdane Jr., Vice- Gov. Ramon Lacbain III at ang independent candidate na si Anne Marie Gordon.
Sinabi ni Deloso na isang pagkakataon para sa mamamayang Zambaleno na muling maranasan at maramdaman ang bagong kabanata ng pulitika na nakaangkla sa prinsipyo ng tunay na pagseserbisyo sa bayan, pagmamahal at pag-uunawaan sa bawat isa tungo sa isang malinis, tahimik at progresibong probinsya.