MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang pulis matapos na pagbabarilin ng tatlong lalaki na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa Brgy. Naga, Pototan. Iloilo.
Ang nasawi ay kinilalang si SPO1 Nestor Perigrino, nakatalaga sa Janiuay Municipal Police Station, Iloilo.
Batay sa ulat, ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo angkas ang apat na anak para ihatid sa eskwelahan nang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang tatlong lalaki.
Dalawa dito ay bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktima sa ulo at dibdib at masuwerteng hindi tinamaan ang apat nitong anak.