Kawani ng PNP itinumba

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang “non-uniformed personnel (NUP)” ng Philippine National Police (PNP) matapos na pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa nakikila­lang salarin kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang  nasawi ay kinilalang si Alexis Corbillon, 40, may-asawa, nakatalaga sa PNP- Firearms Explosive Ordnance Division at residente ng Quezon Street, Poblacion, East Rizal, Nueva Ecija.

Nasugatan ang pedicab driver na si Rogelio de Honor, 27, ng  Yanga Street, Maysilo, Malabon City nang barilin din ng mga suspek.

Sa ulat, dakong alas-11:40 ng gabi ay pasahero ang biktima sa pinapasadang pedicab ni  De Honor nang hara­ngin ng dalawang lalaki sa may  Tongco Street, Brgy. Maysilo at agad na pinagbabaril si Corbillon.

Dahil namukhaan ni De Honor ang dalawang suspek ay pinagbabaril din ito.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa trabaho nito o personal ang motibo ng pamamaslang.

Show comments