MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nagpakamatay sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.
Ang unang biktima ay nakilalang si Joselito Vicera, 57, ng No.10 Masaya St. Brgy. Gulod, Novaliches ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga nang madiskubre ng misis ang biktima na nakatarak ang patalim sa leeg nito sa kanilang silid.
Ayon kay Delia Vicera, 60,dadalhan sana niya ng gatas ang mister sa kanilang silid nang makita ang duguang bangkay nito.
Ayon kay Delia na nahihirapan ang kanyang mister sa sakit nitong TB at halos isang linggo lang itong kumakain kaya’t para itong buto’t balat na.
Natagpuan naman dakong alas-9:00 ng umaga na nakabigti ng straw ang helper na si Dennis Remol, 33 sa pinapasukan nitong Channel Store Warehouse.