MANILA, Philippines - Inihayag ni UNA presidential candidate Vice President Jejomar Binay sa harap ng mga negosyante at bangkero sa ika-4 Deutsche Bank Access Philippines sa Makati City na pahirap sa mga mamamayan ang kasalukuyang tax system sa Pilipinas.
Umaabot, anya sa 85 porsyento ng kabuuang koleksyon ng individual income tax ay binayaran ng working class habang ang 15 porsyento ay mula sa self-employed individuals at professionals.
Iginiit ni Binay na kailangan ang agarang pag-reporma sa kasalukuyang tax system ng bansa dahil ang Pilipinas ay ikalawa sa may pinakamataas na personal income tax rate na 32 porsyento at may pinakamataas na corporate income tax rate na 30 porsyento.
Binigyang-diin ni Binay na hindi lamang dapat nakatuon ang pamahalaan sa pagtataas ng value-added tax ng 14% mula sa 12% upang maibsan ang epekto ng pagbaba ng tax rates.
Kailangan umanong paigtingin ang revenue collection efforts at kampanya laban sa mga smugglers, sell government assets, privatize select government-owned at controlled corporations at aprubahan ang revenue-generating measure.
Iginiit pa ni Binay na ang pagpababa ng rates ng income tax at corporate tax sa bansa ay mag-aatract sa mga investors.
Agarang isusulong ni Binay na mapababa ang buwis sa bansa kapag nanalong pangulo sa 2016.