^

Police Metro

Binay: Tax System pahirap sa bayan

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ni UNA pre­sidential candidate Vice President Jejomar Binay sa harap ng mga negos­yante at bangkero sa ika-4 Deutsche Bank Access Philippines sa Makati City na pahirap sa mga mamamayan ang kasalukuyang tax system sa Pilipinas.

Umaabot, anya  sa 85 porsyento ng kabuuang koleksyon ng individual income tax ay binayaran ng working class habang ang 15 porsyento ay mula sa self-employed individuals at professionals.

Iginiit ni Binay na kailangan ang agarang pag-reporma sa kasalukuyang tax system ng bansa dahil ang Pilipinas ay ikalawa sa may pinakamataas na personal income tax rate na 32 porsyento at may pinakamataas na corporate income tax rate na 30 porsyento.

Binigyang-diin ni Binay na hindi lamang dapat nakatuon ang pamahalaan sa pagtataas ng value-added tax ng 14% mula sa 12% upang maibsan ang epekto ng pagbaba ng tax rates.

Kailangan umanong paigtingin ang  revenue collection efforts at kampanya laban sa mga smugglers, sell government assets, privatize select government-owned at controlled corporations at aprubahan ang revenue-generating measure.

Iginiit pa ni Binay na ang pagpababa ng rates ng income tax at corporate tax sa bansa ay mag-aatract sa mga investors.

Agarang isusulong ni Binay na mapababa ang buwis sa bansa kapag nanalong pangulo sa 2016.

ACIRC

AGARANG

ANG

BINAY

BINIGYANG

DEUTSCHE BANK ACCESS PHILIPPINES

IGINIIT

MAKATI CITY

PILIPINAS

TAX

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with