^

Police Metro

2 kidnaper sa Samal Island, tiklo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga otoridad ang dalawang pinaghihinalaang suspek sa pagdukot sa tatlong banyaga at isang Pinay sa Island Garden City of Samal noong Setyembre 21 sa isang operasyon sa Davao City.

Inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte  sa isang pana­yam sa tele­bisyon ang pagkakaaresto sa dalawang suspek sa pagdukot kina Kjartan Sekkingstad, Norwegian, may-ari ng Holiday Oceanview Resort; dalawang Canadian na sina Robert Hall  at John Ridsdel  gayundin ang Pinay na si Maritess Flor.

Ayon kay Duterte ang mga kidnaper ay may ugnayan umano sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu na siyang may hawak ngayon sa mga bihag.

Maging ang isang opis­yal ng PNP ay nagsabi na hawak na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Davao  ang dalawang suspek na hinihinalang sangkot sa Samal kidnapping.

Nasakote ang dalawang suspek noong Oktubre 4 ng gabi sa operasyon sa Davao City kung saan isa sa mga ito ay may warrant of arrest sa kasong murder, kidnapping at illegal possession of firearm.

Ayon kay Chief Supt. Federico Dulay, Commander ng Special Investigation Task Group (SITG) Oceanview, nakatulong ng malaki sa pagtukoy sa mga suspek ang nakuhang CCTV footage sa Holiday Oceanview Resort.

Tumanggi ang opisyal na tukuyin ang pagkaka­kilanlan ng dalawang suspek dahilan sa may isinasagawa pa silang followup operation.

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ANG

AYON

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

FEDERICO DULAY

HOLIDAY OCEANVIEW RESORT

ISLAND GARDEN CITY OF SAMAL

SAMAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with