Mar-Leni tandem kasado na

Itinaas ni Pangulong Noynoy Aquino na chairman ng Liberal Party ang kamay nina presidential candidate Mar Roxas at vice presidential candidate Leni Robredo matapos ikasa ang kanilang tambalan sa 2016 elections.-Malacañang Photo Bureau-

MANILA, Philippines - Idineklara kahapon ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo na tinatanggap na nito na tumakbong bise-presidente ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas na ginanap sa Club Filipino, San Juan City kahapon.

Nagpasalamat naman si Robredo sa kanyang mga anak sa pagbibigay ng ‘blessing’ na tumakbo siya bilang bise-presidente at muling magsakripis­yo para sa bayan tulad ng kanyang yumaong asawa na si Sec. Jesse Robredo.

Wika pa ni Robredo sa kanyang pagtanggap para maging runningmate ni Roxas sa darating na 2016 elections, ang mabuti pa rin ang parating mananaig.

Dinaluhan mismo ni Pangulong Benigno Aquino III ang LP event kung saan ay idineklara si Rep. Robredo bilang opisyal na vice-presidential candidate ng Liberal Party at runningmate ni Roxas.

Sa Biyernes naman ihahayag ng LP ang 12 senatorial line-up nito, ayon kay Pangulong Aquino.

 

Show comments