P1-M ari-arian naabo

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P1-milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection sa Pasig City, nabatid na ang sunog ay naganap dakong alas-12:05 ng madaling araw sa Jade Street, Donya Juliana Village sa Barangay Rosario.

Umabot sa isang oras ang sunog bago naapula ng mga tauhan ng pamatay-sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon ni FO2 Jose Chester Pangilinan, sinasabing sa likurang bahagi ng bahay ng pamilyang Garcia nagsimula ang apoy na mabilis na kumalat sa dalawang apartment dahil gawa lamang sa light material.

Sinasabing nagising ang mga residente dahil lumalaki na ang apoy sa likurang bahagi ng apartment hanggang sumiklab ang sunog.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung sinadya ang sunog na wala namang naiulat na namatay at nasugatan.

 

Show comments