MANILA, Philippines – Namumuro nang pumalo sa P1 bilyon ang koleksyon sa buwis ng pamahalaang lungsod ng Caloocan dahil sa lumalagong ekonomiya at pamumuhunan.
Base sa rekord ng Business Permit and Licensing Office, nasa 38% ang itinaas ng mga bagong “business registration” simula Hulyo 2013 kung saan umakyat pa sa 47% pagtaas noong 2014.
Noong 2013, nasa P500 milyon lamang ang nakatalang kapital ng mga negosyo na umakyat sa P800 milyon o 57% pagtaas hanggang sa umakyat pa ito sa P900 milyon.
Ang paglago ng negosyo ay sinasalamin ang masiglang kita ng mga negosyante kung saan noong 2013 ay nasa P10 bilyon ang gross sales receipts ng mga negosyo na mas mataas ng 21% kumpara noong 2012.
Umakyat pa ito sa P40 bilyon noong 2014.
Umabot sa 47% pagtaas sa bilang ng mga bagong trabaho sa nasabing lungsod noong 2014.