7 katao arestado sa pot session

MANILA, Philippines – Pitong katao kabilang ang dalawang babae ang inaresto ng mga otoridad sa isinagawang anti-cri­minality operation matapos maaktuhang nagpa-pot-session kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Marites Getuiza, 44; Lilibeth Chavez, 38; Dennis Aguilar, 34; Jhon Carlo Boiler; Alejandro Lorenzo, 29;  Benny Juanez, 24, at Gilbert Reyes, 35, pawang mga taga-Apelo Cruz, Mali­bay ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang maaktuhan ng mga pulis ang mga suspek  na nagpa-pot-session sa loob ng bahay sa A-76 Apelo Cruz, St., Barangay  157, Zone 164, Malibay ng nasabing lungsod.

Bago ang raid ay nakatanggap ng impormas­yon ang mga pulis sa kanilang asset na ginagawang singhutan ng shabu ang naturang lugar.

Nakumpiska sa mga pulis ang dalawang plastic sachet ng shabu at paraphernalias.

Show comments