Mag-asawa pinatay sa saksak

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ng mga kapitbahay ang isang mag-asawang matanda na tadtad ng mga saksak sa loob ng kanilang bahay sa isang bulubunduking lugar sa Brgy. Camili, Alcantara, Romblon.

Ang mag-asawang pinatay ay kinilalang sina Felix Baraca, 64; at Ofelia, 79, pawang nagtamo ng malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at palo sa mga ulo.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ng kanilang kapitbahay ang bangkay ng mag-asawa na pinaniniwalaang may ilang araw ng patay dahil sa kondisyon nang pagkatuyo ng dugo at nagsisimula na ring maagnas.

Ayon sa mga kapitbahay na huling nakitang buhay ang mag-asawa nitong Martes matapos itong bumaba sa kaba­yanan.

Pinaniniwalaan ng pulisya na dalawa hanggang tatlong suspek ang pumaslang sa mag-asawa base sa nakitang mga bakas ng paa sa crime scene.

Show comments