MANILA, Philippines - Nakatulong ang magdamag na pag-ulan dulot ng bagyong Kabayan sa pagtaas ng level ng tubig sa lahat ng mga dam sa bansa.
Ayon sa PAGASA, kahapon ay umabot sa 190.70 meters ang water level sa Angat dam sa Bulacan na 90 percent ng tubig sa Metro Manila.
Umabot naman sa 17.22 meters ang naitalang water level sa Bustos dam sa Bulacan kayat nabuksan ang kanilang floodgates at nagluluwa ng 25 cubic meters per second na tubig.
Umabot naman sa 101.15 meters ang water level ng Ipo dam at kung makaabot sa 101.50 meters ang level ng tubig dito sa susunod na 24 oras ay magpapakawala na sila ng tubig.
Nasa normal level naman ang La Mesa dam kayat walang dapat ipag-alala ang mga residente na nakatira sa ibaba ng naturang dam o malapit sa Tullahan river sa QC.