MANILA, Philippines - Ginhawa na sa mga mananakay ng LRT at MRT ang pagbabayad ng kanilang pamasahe sa pagsakay sa tren dahil sa puwede nang gamitin ang Globe GCash Beep Mastercard.
Bukod sa pagsi-shopping at pagbabayad ng bills nang walang dalang cash, ang GCash beep Mastercard ay ang unang value-added card na magiging ‘beep ready’ kung saan ang
mga cardholder ay madaling makapaglo-load at makapagbabayad ng kanilang pasahe sa MRT at LRT.
Ayon kay Xavier Marzan, President and CEO ng
G-Xchange, Inc., isang wholly-owned subsidiary ng Globe Telecom na nagpapatakbo sa GCash, isa sa kanilang mga prayoridad ang pagtulong na maging maginhawa ang transaksyon
ng mga Globe customers gamit ang teknolohiya.
Para mag-reload ng beep account, kailangan lamang ng mga customer na ilagay ang GCash beep Mastercard sa ibabaw ng Stored Value Card reader ng Ticket Vending Machine
sa anumang LRT/MRT station, piliin ang Stored Value option sa screen, ipasok ang kaukulang halaga sa inilaang slot, at hintaying lumabas ang transaction receipt.
Ang beep card ang otorisadong electronic payment sa ilalim ng unified LRT/MRT ticket system na sinimulan ang full implementation noong nakaraang buwan.