^

Police Metro

Ex-Abra Gobernador kulong ng 40 taon

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hinatulan ng 40 taon pagkabilanggo ni Quezon City Regional Trial Court Branch 94 Judge Roslyn Rabara-Tria si ex-Abra Governor Vicente Valera na napatunayang guilty sa  kasong 2 counts of murder na may kinalaman sa pagpatay  kay ex-Abra Congressman Luis Bersamin at police escort nito noong Disyembre 2006.

Labindalawang taon naman na makukulong sa iba pang akusado na  sina Rufino Panday at Leo Bello sa kasong frustrated murder.

Batay sa record ng korte, Disyembre 16, 2006 ay pinagbabaril at napatay si Bersamin at bodyguard na si SPO1 Adolfo Ortega nang  dumalo ito sa kasal ng anak sa Mount Carmel Church sa QC.

Nasugatan at naisalba ang buhay ng  driver ni Bersamin na si Allan Sawadan.

Si Valera ay itinuro ng isang Freddie Dupo na siyang utak sa pamamaslang at ito ang naging matibay na ebidensiya ng korte laban sa mga akusado.

Sa testimonya ni Dupo na ang pagpatay kay Bersamin ay plinano noong 2005 sa isang beach house sa  La Union na kung saan ay nandoon si  Valera.

Si Rep. Bersamin ay  kapatid ni Associate Justice Lucas Bersamin.

vuukle comment

ABRA CONGRESSMAN LUIS BERSAMIN

ABRA GOVERNOR VICENTE VALERA

ADOLFO ORTEGA

ALLAN SAWADAN

ASSOCIATE JUSTICE LUCAS BERSAMIN

BERSAMIN

DISYEMBRE

FREDDIE DUPO

JUDGE ROSLYN RABARA-TRIA

LA UNION

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with