P-Noy inatasan ang DOF... Pagbawas sa tax pag-aralan

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni De­puty Presidential Spokesperson Abigail Valte na inatasan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Finance (DoF) na pag-aralan ang isinusulong na income tax reform bill kasunod ng malawak na panawagan sa gobyerno na ibaba ang sinisingil na income tax.

Una nang nagpahayag ng pagtutol si Pangulong Aquino gayundin ang DoF at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa panukala dahil sa malaking magiging epekto nito sa makokolektang buwis.

Sa inihahandang  draft bill ni Marikina Rep. Miro Quimbo, chairman ng house committee on ways and means, ay isinusulong nito ang pagpapatupad ng tax exemptions sa mga manggagawa na kumikita ng hindi hihigt sa P180,000 kada taon at 9 percent naman ang ipapataw para sa mga kumikita ng P180,000-P500,000 kada taon.

Nakapaloob din sa panukala ni Rep. Quimbo na ibaba sa 25 percent ang ipapataw na corporate income tax rate mula sa kasalukuyang 30 percent.

 

Show comments