MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bahagi ng Sarangani kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagyanig ay naramdaman sa layong 107 kilomentro sa timog ng Kiamba, Sarangani bandang ala-1:23 ng madaling araw.
Samantala, ganap na alas-11 ng umaga naman nang maramdaman ang magnitude 4.4 na lindol sa bahagi ng Romblon.
Ayon pa rin sa ulat, ang sentro ng lindol ay naramdaman din sa 14 kilometro sa timog silangang bahagi ng Corcuera, Romblon kung saan may lalim itong 008 km at tectonic plates ang pinagmulan.
Wala namang iniulat na nawasak na ari-arian at nasaktan.