^

Police Metro

Traysikel, pedicab sa Edsa huhulihin na ng HPG

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sisimulan na ngayon ng PNP- Highway Patrol Group ang paghuli sa mga tricycle at pedicab na bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa.

Ayon kay HPG Director P/Chief Supt. Arnold Gunnacao, sisimulang tikitan ang mga driver ng tricycle at pedicab na mahuhuling namamasada sa Edsa kung saan may multang P1,600.

Gayon pa man, ta­nging paniniket lamang ang gagawin ng HPG at bahala na ang Land Transportation Office (LTO) para sa paniningil nito.

“Hindi naman sakop ng linya ng mga traysikel at pedicab ang Edsa su­balit, nagkalat ang mga ito na nagiging sanhi upang bumagal ang takbo ng mga sasakyan,” pahayag pa ni Gunnacao

Nabatid na matagal nang ipinagbabawal sa kahabaan ng Edsa ang mga traysikel at pedicab sa Edsa at sa mga pangunahing kalsada pero hindi mapigilan ng mga itinalagang MMDA enforcers dahil pumapalag ang mga ito kapag hinuhuli o pinagbabawalan.

Tatlo hanggang apat na miyembro ng MMDA lamang ang nakatalaga sa bawa’t lansangan kumpara sa grupo ng traysikel at pedicab kaya minsan ay natatakot na rin ang mga enforcer at hinahayaan na ring bumiyahe kahit bawal.

“Pero sa ngayon, hindi na maaari ang ganitong sistema, at ipapatupad nila ng mahigpit ang naayon sa batas upang maging maayos ang daloy ng mga sasakyan at makaiwas sa posibleng kapahamakan,” dagdag pa ni Gunnacao.

ACIRC

ANG

ARNOLD GUNNACAO

AYON

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

EDSA

GUNNACAO

HIGHWAY PATROL GROUP

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with