MANILA, Philippines – Magiging matibay ang paninindigan ng Department of Justice sa pagkontra sa napaulat na hospital arrest na posibleng ihirit ng magkapatid na sina dating Palawan governor Joel Reyes dating Coron mayor Mario Reyes.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, bagaman at dapat hayaan sa korte ang pagpapasya ay tiyak na magiging matibay ang paninindigan sa isyu ni Justice Secretary Leila de Lima.
“Tingin ko magiging matibay o… Secretary (Leila) de Lima will have a strong position on that and hayaan na lang po nating mag-decide ang ating Justice department, lalo na ho Palawan RTC (regional trial court) ang may jurisdiction na po doon sa magkapatid na Reyes,” ani Valte.
Tiyak din aniyang magko-komento sa sinsasabing hospital arrest ang prosekusyon lalo pa’t buhay turista naman ang magkapatid noong sila ay nasa Thailand na kapwa nahaharap sa kasong pagpatay sa environmentalist na si Gerry Ortega noong 2011.
“Certainly, the prosecutors will have something to say about their proposed motion to file for hospital arrest, dahil alam naman po natin na bago po sila [umuwi] very recently ay parang mga turista po ang kanilang pamumuhay doon sa Thailand,” dagdag pa ni Valte.
Bagaman nakatakas palabas ng bansa, ang Reyes brothers ay nadakip naman ito sa Thailand.