^

Police Metro

2 patay sa pamamaril sa Malabon

Angie dela Cruz, - Pang-masa

CEBU, Philippines – Dalawang katao ang nasawi kabilang ang isang ginang nang mamaril ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Namatay noon din ang  biktimang si Joel Baysa, 36, civil security unit ng #103 Adante St., Barangay  Tañong ng nasabing lungsod.

Namatay habang dinadala sa pagamutan si Marissa Brondo, 44;  habang nasugatan sina Clareto Tenolete, 39 at Andrea Mae de Ocampo, 7, pawang taga  C-4 Road, 1st St., ng nasabi ring barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon sa kahabaan ng C4 Road, Barangay  Tañong ng nasabing lungsod ay ipinarada ni Baysa ang kanyang motorsiklo at habang naglalakad sa eskenita ay biglang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril si Baysa na kung saan tinamaan ng ligaw na bala ang tatlong iba pa.

Narekober ng mga rumespondeng tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang 11 basyo ng bala ng baril habang nakuha naman sa katawan ni Baysa ang isang maliit na sachet ng pinaghihinalaang shabu.

May kinalaman sa droga ang isa sa mga motibong iniim­bestigahan ng pulisya hinggil sa naganap na pamamaslang.

ADANTE ST.

ANDREA MAE

ANG

ATILDE

BAYSA

CLARETO TENOLETE

JOEL BAYSA

MALABON CITY

MARISSA BRONDO

NAMATAY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with