^

Police Metro

Kidnap victims nasa Sulu na - Duterte

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Posibleng nasa kamay na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang 4 na dinukot sa isang resort sa Island Garden City of Samal matapos ihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ito ay nadala na sa Sulu.

Ayon kay Duterte sa isang television interview base umano sa intelligence report na kaniyang natanggap na ang mga bihag na sina Norwegian  Kjartan Sekkingstad, 56; Canadian na sina John Ridsdel, 68  at Robert Hall, 50 at ang  Pinay na si Maritess Flor  noong Huwebes ay dumaong sa Glan, Sarangani na lumipat umano sa isang mas malaki at mabilis na bangkang de motor at anim na oras lang ang ibiniyahe patungo sa Sulu.

Nang hingan naman ng reaksyon, sinabi ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla na kasalukuyan pa nilang isinasailalim sa masu­sing beripikasyon ang intelligence report  na napasakamay ni Duterte.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng security forces upang mailigtas ang mga bihag.

Samantalang wala pa ring demand na ipinararating ang mga kidnaper kapalit ng pagpapalaya sa mga bihag na binihag noong Setyembre 21 ng gabi matapos salakayin ng 20 armadong kalalakihan ang Holiday Oceanview Resort na pag-aari ng Norwegian.

ABU SAYYAF GROUP

ANG

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

HOLIDAY OCEANVIEW RESORT

ISLAND GARDEN CITY OF SAMAL

JOHN RIDSDEL

KJARTAN SEKKINGSTAD

MARITESS FLOR

RESTITUTO PADILLA

ROBERT HALL

SAMAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with