MANILA, Philippines – Ilang miyembro ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang dumating sa bansa ang nagtungo sa Island Garden City of Samal upang magsagawa ng pagsisiyasat tungkol sa nangyaring pangingidnap sa tatlong banyaga at isang Pinay kamakailan.
Nakigpag-ugnayan na rin ang mga miyembro ng FBI sa mga otoridad ng isla para malaman ang sitwasyon sa mga kidnap victims na sina Kjartan Sekkingstad, Norwegian; may-ari ng Holiday Oceanview Resort; mga Canadian na sina John Ridsdel at Robert Hall gayundin ang Pinay na si Maritess Flor.
Sinasabing ang mga bihag ay dinala muna umano ng mga kidnapper sa kagubatan ng Davao del Norte malapit sa isang kampo ng Moro National Liberation Front (MNLF) habang humahanap ng tiyempo na makapaglayag muli sa karagatan para itakas ang apat na mga hostages.
Ang grupong bumihag sa mga biktima ay galing pang Sulu na dumayo lamang sa Island Garden City of Samal.
Inilarawan ng Haponesa na si Kazuko Tripp na nakatakas sa mga kidnaper kasama ang mister nito matapos tumalon sa dagat ay nasa pagitan ng 25-30 anyos, may taas na 5’2” hanggang 5’3”, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi ang kutis na nakasuot ng maitim na damit at shorts.
Blangko pa rin ang mga otoridad kung anong grupo ang nasa likod nang pangingidnap, subalit hindi inaalis ang posibilidad na mga Abu Sayyaf Group.