Pickup bumaliktad: 2 todas

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang katao kabilang ang isang professor sa unibersidad habang dalawa pa ang grabeng nasugatan makaraang aksidenteng buma­liktad ang sinasak­yan nilang pickup  habang bumabagtas sa Hapid Road, Brgy. Santa Fe, La­mut, Ifugao kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang da­lawang biktima na sina Roselyn Malingan,  28, professor  sa Ifugao State University at Wrechlle Valenciano, 33, secretary sa Mayor’s Office sa Lamut, Ifugao.

Nilalapatan naman ng lunas ang sugatang sina Lalaine Malingan, 24; empleyado ng Regional Health Unit; Willaine  Tayaban, 24.

Batay sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi ay mas­yado umanong mabilis ang takbo ng Toyota Hilux (UGQ-257) na minamaneho ni Esteban Bagiw, 45, sa nasabing lugar nang ito ay mawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa sumalpok sa paanan ng bundok at bumaliktad.

Bahagyang galos lamang ang tinamo ni Pelita Dango, 55 at Bagiw na nakatakdang kasuhan.

Show comments