Supervisor, vendor dedbol sa tandem

MANILA, Philippines – Isang district supervisor  ng Department of Education (DepEd ) at isang vendor ang nasawi nang sila ay pagbabarilin ng riding-in-tandem sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Pangasinan at Quezon City.

Namatay noon din ang biktimang si Henry dela Cruz, nasa hustong gulang, District Supervisor ng Bayambang  Central School  at naninirahan sa Malasiqui, Pangasinan.

Sa ulat, dakong alas-9:20 ng umaga sa kahabaan ng national road ng Brgy. Tambac ay kasalukuyang naglalakad sa lugar ang biktima nang sumulpot ang motorcycle riding-in-tandem at walang kaabog-abog na binaril ang biktima.

Sa Quezon City ay binaril sa ulo ang vendor na si William Gonzales Jr., 32, ng No. 326 Saint Andrew, Brgy. Holy Spirit ng riding-in-tandem suspect habang ito ay nakatayo sa harap ng isang bahay sa Sto. Rosario St.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos isagawa ang krimen at narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng kalibre 45 baril.

Show comments