MANILA, Philippines – Itinanggi ng Iglesia Ni Cristo (INC) na propaganda nila ang pelikulang Felix Manalo, matapos ang sunod-sunod na kontrobersiyang ibinabato.
Sinasabing ginawa ang pelikula dahil marami sa mga INC members na hindi inabot ang henerasyon ni Ka Felix Manalo at ang nasabing pelikula ang paraan upang maipabatid sa mga kabataan ang impormasyon hinggil sa founder ng INC.???
Darating naman sa bansa ang mga kinatawan mula sa Guinness World Records sa United Kingdom para personal na saksihan ang premiere night ng Felix Manalo sa October 4, na gaganapin sa Philippine Arena dahil tatangkain ng nasabing pelikula na malampasan ang “Largest Attendance at a Film Screening” record na hawak ngayon ng documentary film na “Honor Flight” mula pa noong 2012.???
Sa ngayon, ubos na ang tickets para sa premiere ng Felix Manalo movie at inaasahang mapupuno ang 55,000-seater na Philippine Arena sa Bulacan.