MANILA, Philippines – Hindi umano pakawala ng Malakanyang si Supreme Court Associate Justice Carpio, chairman ng Senate Electoral Tribunal sa naging opinyon nito hinggil sa citizenship issue ni Sen. Grace Poe na nililitis ng tribunal.
Kaya’t agad dumistansiya ang Malakanyang sa isyu ng citizenship ni Poe matapos sabihin ni Carpio na isang naturalized Filipino at hindi natural born Filipino ang senadora.
Ikinatwiran ng kalihim na isang independent body at kapantay ng ehekutibo ang Senate Electoral Tribunal na binubuo ng mga senador at ilang mahistrado ng Korte Suprema.
Anya, hindi dapat makatwiran na mabahiran ng pulitika ang prosesong umiiral sa SET kung walang ipinapakita kongkretong ebidensya at hayaan na lang ang mga miyembro nito na magdesisyon sa kaso ni Poe dahil hindi magiging responsable na gumawa ng anumang espekulasyon.