MANILA, Philippines – “Hindi natural born citizen si Senator Grace Poe at sa halip ito ay naturalized Filipino citizen”.
Ito ang binigyan diin ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa isinagawang oral arguments kaugnay ng petition na isinumite ng natalong 2013 senatorial candidate na si Rizalito David sa Senate Electoral Tribunal.
Batay sa petisyon ni David, dapat lamang na madiskuwalipika si Poe sa ilalim ng Section 3, Article VI ng 1987 Philippine Constitution dahil nakasaad na kailangang natural-born citizen ang isang kandidato.
Sa pagsasagawa ng interpellation, sinabi ni Carpio na maaaring gawin ang customary international law hangga’t walang nalalabag na probisyon sa Constitution.
Sinabi rin ni Poblador na sinimulan na ang DNA Testing para matukoy kung sino ang posibleng biological parents o mga magulang ng senadora na ilalahad nila sa SET ang resulta ng DNA testing sa oras na ito ay lumabas.
Ipinaliwanag ni Carpio, pinuno ng SET, na kapag nagkaroon ng match sa DNA testing, ito ay ituturing na conclusive presumption sa ilalim ng rules of court.
Tiniyak ni Poblador na maaaring sa loob ng dalawang linggo o mas maaga pa ay magkaroon na ng resulta ang DNA testing at anuman ang detalye nito ay mismong si Poe na umano ang maglalahad.