MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 37-anyos na ginang matapos itong lumaklak ng lason kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Dakong alas- 9:45 ng gabi nang ideklarang patay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Leny Laderas, may-ari ng sari-sari store, biyuda at nakatira sa #417 Brgy. North Bay Boulevard North sa nasabing lungsod. Sa ulat ng pulisya lumilitaw na nakarinig ng kakaibang ungol ang mga kaanak ng biktima mula sa bahay nito kaya mabilis na inusisa. Dito na namataan ang biktima na bumubula ang bibig kung saan natagpuan sa tabi nito ang maliit na botelya na sinasabing may lason. Isinugod sa nabanggit na pagamutan ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay.