Kaso ng dengue sa Bicol Region, lumobo

MANILA, Philippines - Lumobo ang kaso ng dengue na umabot na sa 900 ngayong taon lalo na sa Bicol region kaya’t nakatutok ang Department of Health main office.

Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, alarming stage na kapag daan-daan na ang kaso ng naturang sakit kaya naghahanda sila ng mga programa para matugunan ang problema.

Hindi umano maaa­ring ipagwalang bahala  ang isyung tulad nito at sa halip ay binibigyan ng prayoridad ng DOH.

Maliban dito, binabantayan din ng kagawaran ang Negros Oriental na mayroon ng 950 dengue cases sa naturang lugar.

Mataas din ang naitala na dengue case sa Dumaguete City, Guihulngan City at Canlaon City.

 

Show comments