P1M reward sa 2 suspek sa Enzo Pastor murder

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng P1 milyong reward sa sinumang makapagbibigay ng impormayon para sa ikadarakip nina Dahlia Guerrero-Pastor at Domingo “Sandy” De Guzman III na mga utak sa pagpaslang sa international race car driver na si Enzo Pastor.

Ito ang inihayag kahapon ng ama ni Enzo na si Tomas Pastor, sa paniwala na ang P1 mil­yon reward money ay makakatulong sa mabilis na pag-aresto kina Dahlia at De Guzman.

Ayon kay Tomas na nakalap nila ang nasabing halaga sa tulong ng ilang kaibigan at mga pulitiko.

Una nang naaresto ang umano’y gunman na si PO2 Edgar Angel.

Matagal na rin nagpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) laban kina Dah­lia at De Guzman na umano ay may extra-marital affair.

Si De Guzman, na umano ay utak sa pagpatay kay Pastor ay kinasuhan ng murder habang si Dahlia na misis ni Enzo  ay kinasuhan ng parricide.

Ayon sa mga Pastor na kung sinoman ang mayroong impormas­yon sa kinaroroonan nina Dahlia at De Guzman ay maaaring mag-text o tumawag sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Supt. Danilo Macerin sa 09178420992 at Quezon City Police District - Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) Sr. Insp. Rodel Marcelo sa 09185315178.

Show comments