^

Police Metro

Chiz tino-tolerate ang mga abusadong kabaro

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinuligsa ng kampo ni Vice President Jejomar C. Binay si Sen. Francis Escudero sa umano’y pagto-tolerate nito sa kanyang mga abusadong kabaro na miyembro ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na gumigisa sa mga resource persons sa hearing ng umano’y corruption na kinasasangkutan ng pamilya Binay.

Sinabi ni Atty. Rico Quicho, spokesperson ng bise presidente,  dapat nile-lektyuran ni Escudero ang mga kasamahang senador kaugnay sa ginagawa umanong paninigaw at pananakot sa kanilang mga resource persons.

Bagaman at hindi naman dumadalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee si Escudero ay dapat tingnan nito ang napakaraming dokumento na isinumite ng gobyerno ng Makati na diumano’y maglilinis sa mga alegasyon laban sa mga proyektong ipinatupad ni VP Binay.

Ayon pa kay Quicho na nalulungkot sila dahil hindi ikinonsidera ng sub-committee ang mga dokumento kabilang na si Escudero.

Bagaman at dapat irespeto ang Senado bilang isang institusyon ay hindi umano dapat nananakot ang mga senador at nambu-bully ng mga resource persons.

“Maituturing si Senator Escudero na isang bulag kung paniniwalaan niya ang sub-committee hearing ay isang aid of legislation”.

ANG

AYON

BAGAMAN

BINAY

FRANCIS ESCUDERO

MGA

RICO QUICHO

SENATE BLUE RIBBON

SENATE BLUE RIBBON SUBCOMMITTEE

SENATOR ESCUDERO

VICE PRESIDENT JEJOMAR C

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with