Chiz bulag sa ‘kangaroo court’ ng Senate Blue Ribbon
MANILA, Philippines - Mistulang bulag si Senador Francis “Chiz” Escudero sa halos mahigit na isang taon na ginagawang “kangaroo court” umano ng Senate Blue Ribbon Subcommittee kay Vice President Jejomar Binay.
Ito ang inihayag ni Atty. Rico Quicho,vice presidential spokesperson for political affairs dahil tila nakalimutan na nito na pinapayagan ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang mga partido na rebyuhin ang mga ebidensiya at i-cross examine ang mga accusers na hindi ginawa kay Vice President sa mga naganap na Senate subcommittee hearings.
Kaya sa pagtungo ni Senator Grace Poe sa SET ay para ipakita ang ebidensiya sa isyu ng citizenship na kakaiba sa Senate sub-committee na higit na isang taon hinayaan nilang magsinungaling at manlinlang sila dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado at iba pa laban kay Binay at kapag pabor ay kanilang tinatakot.
Kaya nga ay itinuloy ni Binay ang pagsasampa ng kasong libelo laban kay Mercado sa pagsisinungaling nito sa isyu ng pakikipagtransaksyon ng Boy Scout of the Philippines sa Alphaland at kay Senator Antonio Trillanes na may kaugnayan sa isyu Senior Citizens program ng Makati.
Idinagdag pa ni Quicho na nabigo si Escudero na sawayin ang kanyang kapwa senador sa pagbu-bully at panghuhusga sa mga inimbitahan ng sub-committee.
- Latest